
Province of Surigao del Norte
Ang Surigao del Norte (Filipino: Hilagang Surigao) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Lungsod ng Surigao ang kapital nito. Binubuo ang lalawigang tatlong pangunahing mga pulo — Pulo ng Dinagat, Pulo ng Siargao, at Pulo ng Bucas Grande — sa Dagat ng Pilipinas, at isang maliit na rehiyon sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Mindanao na pinapaligiran ng Agusan del Norte, at Surigao del Sur sa timog.
History
Noong 1538, napuntahan ni Francisco de Casto, isang Portuges na mangagalugad, ang silangang baybayin ng Mindanao kung saan naroon ang Surigao del Norte at nakita niya ang lugar kung saan nakatira ang tribu ng Caraga na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng mga Taga Bisaya. Ang mga heswitang misyonaryo at dumating noong 1597 upang pangaralan ang mga tao sa Butuan ngunit kasama ang paghihirap at intermitenteng pag-unlad. Sumunod ang mga Augustinian Recollects at nagtayo ng parokya sa Tandag at Bislig noong 1642, seglar na mga pari ang naghuna bago dumating ang Benedictine na mga monghe noong 1893.